nilisan ang Pilipinas dahil sa kahirapan
pumunta at nagtrabaho sa ibang bayan
pilit tinitiis ang lungkot at pangungulila
dahil umaasa sa amin ang aming pamilya
araw at gabi ay binibilang namin
sana sa paggising ay uwian na namin
walang kasing lungkot ang mapalayo sa pamilya
pero kailangan tiisin para sa kinbukasan nila
sa mga aming naiwan dyan sa bansang Pilipinas
inyo naman sanang isipin ang aming dinaranas
huwag kayo gumastos ng padalos dalos
dahil dugo't pawis namin dito ay aming ibinubuhos
paalala sa mga OFW na katulad ko
magipon at h'wag aksayahin ang mga sahod ninyo
dahil darating ang araw na tayo ay uuwi sa ating inang bayan
at doon magtayo ng hanapbuhay na ating pagsimulan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento