Linggo, Disyembre 22, 2013

INA

ilaw ng tahanan kung siya ay ating tawagin
wala syang kapantay sa kanyang mga gawain
gawaing bahay ay kanyang ginagampanan
alagaan ang mga anak at ang haligi ng tahanan

isa syang bayani sa paningin ko
dahil lakas nya'y napapahanga ako
pwede ko rin syang ihalintulad sa isang robot
dahil katawan nya'y di napapagod sa kakaikot

parang alarm clock siya sa umaga
dahil walang tigil ang kanyang bunganga
pero wala namang masama sa kanyang mga sinasabi
intindihin nalang natin dahil ito'y ating ikabubuti

kanyang pagmamahal ay dapat nating suklian
ng pagmamahal ng isang anak at ikatutuwa nya iyan
dahil walang sahod ang pagiging ina
dapat isaisip natin ang mga ginagawa nila

walang day off, walang bakasyon
di rin pwedeng magpasa ng resignation
yan ang buhay ng isang magaling at responsabling INA
kaya dapat mahalin ninyo ang inyong INA hangga't buhay pa sya

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento