Linggo, Disyembre 22, 2013

PASKO

ika-25 ng december ipinagdidiriwang ito
pamilya ay nagtitipon-tipon upang magsalo-salo
pero ano nga ba ang ibig sabihin ng pasko
marami sa atin ang hindi alam ang ibig sabihin ito

ipinagdidiriwang ang araw na ito
tanda ng pagkasilang ng tagapagligtas na si cristo
pero hindi lang yan ang ibig sabihin
isinilang sya upang sa kasalanan tayo ay tubusin

mga bata ay natutuwa pag sumapit ang araw pasko
dahil sa bahay ng ninong at ninang sila ay mamamasko
kukuha ng bagong medyas at isasabit sa may pinto
dahil dadaan si santa claus namimigay ng regalo

para sa akin pera o regalo ay hindi mahalaga
pag kompleto ang pamilya wala itong kasing saya
presensya ng tao ay walang katumbas na pera
at hindi mabibili ng pera ang dulot nitong ligaya





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento