Linggo, Disyembre 22, 2013

LUNTIANG KAPALIGIRIAN

gaanu kasarap pagmasdan ang luntiang kapaligiran
sariwang hangin at mga ibong nagsisiawitan
mga bulaklak na nagsasayawan sa harden
paru-paru at bubuyog na nakakaaliw din

sariwang tubig sa mga ilog at mga batis
doon ay sarap maligo balat mo ay kikinis
nagsisilakihang mga puno doon sa kabundukan
mga hayop at mga ibon ito ang kanilang tirahan

luntiang kapaligiran nasaan ka na ngayon
bakit sa mga larawan na lamang kita nasisilayan ngayon
bakit natin hinayaan na maging ganito
masakit man isipin pero tao ang may kagagawan nito

hinahayaan nating sirain at masira ang inang kalikasan
pwede naman tayong magkaisa at gumawa ng paraan
simulan nating linisin ang ating kapaligiran
magtanim ng puno at maging reponsabling mamamayan

mga basura natin itapon sa tamang lagayan
wag itapon sa ilog dahil baha ang idudulot nyan
isipin natin ang ating mga anak at ang kanilang kinabukasan
paano nalang sila kung pulosyon at basura ang kanilang kapaligiran




2 komento:

  1. Baccarat in Las Vegas, NV | WRI-Vegas
    With 3-deck, four-deck worrione decks and a maximum of four decks, baccarat is a gambling game that 바카라 사이트 you can never get caught without a youtube to mp3 good game.

    TumugonBurahin
  2. Slot machines - DrmCD
    This online slot machine has 40,000 pay lines. This is the most played casino slot machine 통영 출장마사지 in 경산 출장마사지 the world, 경주 출장마사지 and is very much the 상주 출장샵 game it was designed 김제 출장안마 for.

    TumugonBurahin